Pilipinas isang bansa na kabilang sa kontinenteng Asya. Matatagpuan ito sa karagatang Pasipiko dahil dito kabilang ang Pilipinas sa rehiyong tinatawag nilang Pacific Ring of Fire. Ito ay may tatlong malalaking pulo na binansagang Luzon,Visayas at Mindanao. Ito rin ay binubuo ng mahigit 7,100 na maliliit na pulo. Ito rin ay mayaman sa mga likas na yaman kaya marami ng banyaga ang sumakop dito gaya ng Espanyol, Amerikano at Hapon. Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito ang pangingisda at pagsasaka. Ang kabisera ng Pilipinas ay ang lungsod ng Maynila. Marami ring magagandang tanawin dito tulad ng Mayon Volcano sa Albay, Chocolate Hills sa Bohol, Luneta Park sa Maynila at marami pang iba.

                       Ngunit sa kabila ng lahat dumadaan pa rin ito sa matinding krisis dahil  may iba't ibang uri ng masasamang tao at masasamang gawain dito. Gaya ng isang kawani ng gobyerno na tumaliwas sa kanyang ipinangako at itinatago ang pera ng bayan. Meron ring mga taong walang puso na patuloy na kumikitil ng buhay ng ibang tao at patuloy na gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Meron ding mga pasaway na patuloy na nagpuputol ng puno kahit ipinagbabawal na nagiging dahilan ng pagkakalbo ng gubat at mabilis na pagbaha. May mga tao ring walang disiplina at walang pakundangan na nagtatapon ng basura kung saan - saan.

                       Marami ring taong nagsasabi na mas masaya sa pamilyang pilipino at marami ring nagsasabi na mas masaya sa Pilipinas. Kaya maraming turista ang dumadalaw sa Pilipinas at ang iba pa nga ay dito na naninirahan. May mga ibang pilipino naman na nangingibang bansa upang makaraos sa kahirapan at iniiwan ang kanilang pamilya kahit na masakit sa kanilang kalooban. Kaya naisip ko totoo nga bang it's more fun in the Philippines? O gawa - gawa lang nila upang dumami ang turista. It's more fun, bakit maraming pamilyang pilipino ang malungkot,naghihirap at nagdudusa? Ano nga ba talaga ang totoo "It's More Fun in the Philippines" o "It's More Dangerous in the Philippines". Kayo na ang sumaksi at humusga.

 


Comments




Leave a Reply