Maagang gumising si Mark upang maghanda para sa kanilang christmas party sa school. Natapos ang kanilang christmas  party ng maayos at masaya. Marami siyang natanggap na regalo mula sa kanyang mababait na kaklase. Naalala niya na kaarawan niya na kinabukasan at malapit na ang araw ng kapaskuhan. Iisa lang ang kanyang hiling sa kanyang kaarawan. Gusto niyang makapiling ang kanyang ama sa darating na araw ng kapaskuhan na hindi niya nakasama ng mahabang panahon ngunit hindi niya alam kung kailan pa ito mangyayari. Pagsapit ng araw ng kapaskuhan, isang lalaki ang gumising sa kanya at namulat siya at nakita ang kanyang ama na nakatingin at nakangiti sa kanya. Niyakap niya ang kanyang ama at napaluha siya. Hindi niya inaasahan na matutupad ang kanyang hiling na makapiling ang kanyang ama sa araw ng pasko. Masayang-masaya siya noon dahil sa hindi inaasahang sorpresa.
 


Comments




Leave a Reply